O Diyos, Mahal Kita
March 3, 2010Salin ng panalanging O Deus, Ego Amo Te ni San Francisco Javier, S.J.
Isinalin sa wikang Ingles ni Gerard Manley Hopkins, S.J.
Isinalin sa wikang Filipino ni J. Vibar Nero.
O Diyos, labis kitang mahal—
Di dahil umaasa ako na may langit
O kaya’y natatakot na di-magmahal
At masugba sa apoy na walang param.
Ikaw, ikaw, Hesus, ang sa akin ay
Nag-abot ng kamay at nag-alay ng buhay.
Alang sa akin, tiniis Mo ang lahat ng pako,
Sibat,panunuya at sampal sa mukha,
Di-mabilang na hapis, pawis at sakit
At hirap, kahit kamatayan, lahat para sa akin.
At batid Mong ako’y makasalanan!
Hesus, bakit hindi kita mamahalin
Gayung ako’y Iyong minamahal?
Hindi dahil sa langit, ni sa pag-iwas
Sa apoy kaya Ika’y aking iniibig.
At hindi sa anumang gantimpala,
Kundi sa paraan ng pagmamahal
Na ginawa Mo para sa akin
Mahal kita at laging mamahalin.
Para sa anupang dahilan,
Panginoon, dapat kitang mahalin?
Dahil Ika’y aking hari at aking Diyos.
Amen.


