• Live Help
  • Forums
  • Help
  • Search
News:

Loading page...

  • Login
  • Signup
  • Blog
  • Photos

Kuwaderno ni J.VibarNero

MARAPAT NANG ISAKATAGA ANG MGA DIWAING MAY TAGLAY NA BAIT AT DUNONG. (sipi mula sa liham ni Roberto T. Añonuevo kay J. Vibar Nero / 07.19.2000)


Home » Post Item » Huli Na Nang Mahalin Kita!

Huli Na Nang Mahalin Kita!

March 13, 2010

Sipi sa The Confessions of St. Augustine. Aklat IX at X. passim

Isinalin sa Filipino ni J. Vibar Nero. 

 

Huli na nang mahalin Kita, O Gandang walang maliw at para!

Huli na nang Kita’y mahalin! At isiping  sa tuwina Ika’y nasa

akin lamang, at ako, pagkatapos maglagalag sa labas,

kung saan-saan Kita hinanap!—

 

Tinanong ko ang sangkalupaan, at ang sabi niya sa akin:

“Hindi ako ang iyong hinahanap”; at katulad din ang tugon

ng sangkinapal ng santinakpan.

 

Tinanong ko ang dagat, ang kanyang mga abismo

at lahat ng sa kanya’y nakatira, at ang sabi nila:

“Hindi kami ang iyong Diyos; hanapin mo sa itaas”.

 

Tinanong ko ang balinong habagat at amihan,

at ang ihip ng lahat ng hangin sa akin:

“Nagkamali si Anaximenes, hindi ako Diyos”. 

 

Tinanong ko ang kalangitan, ang araw, ang buwan,

ang mga bituin, at ang sabi nila sa akin:

“Hindi kami ang Diyos na iyong hinahanap”.

 

At sinabi ko sa lahat ng nakatayo sa labas ng pintuan

ng aking kamalayan: “Inamin ninyong lahat na hindi kayo

ang aking Diyos, sabihin ninyo ngayon sa akin kung sino

Siya”. At koro nilang sinabi: “Siya ang lumikha sa amin”.

 

Tinanong ko sila sa paraan ng aking mga lunggati,

at tumugon sila sa paraan ng kanilang ganda at yumi.—

Hayaang ang hangin at dagat at lupa ay maumid!

Hayaang ang tao ay manahimik sa kanyang diwa!

Hayaang igpawan niya ang kanyang kataga; sapagkat

higit sa lahat ng wika ng mga tao o ng mga anghel, Siya,

na binibigkas ng sangkinapal, ipinauulinig ang Sarili;

Kung saan nagtatapos ang mga hiwatig at mga hulagway

at mga tayutay, doon nagsisimula ang walang-hanggang

Karunungan….

 

At narinig ng bingi kong tainga ang Iyong tawag;

Naaninag ng mata kong bulag ang ningning ng Iyong sinag;

Nalanghap ko ang Iyong samyo, at ibig kong sa Iyo tumulad;

Ngayong Kita’y kilala na, di na Kita kailanman iwawalat;

Ako’y binago mo, ngayo’y nag-aalab sa Iyong panatag.

Sa ating pagkikita, lahat ng aking dalamhati at pagal

mapapalitan ng ginhawa at galak.

 

 DAPITHAPON SA BATANES / Kuha ni Lita Asis-Nero

 

salin san agustin
Posted by jvn at 3:26:00 | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








 
 

Ang Kuwaderno ni J. Vibar Nero

About JVN and This Notebook

J. Vibar Nero lives in simple style in Quezon City with his wife and two dogs. He started this Notebook with no particular reason in mind. Maybe, he wanted to capture in random fashion the rhyme and rhythm of life, and by so trying, release the tensions of his creative pretensions.

Here then are bits and pieces, both ancient and new, of this claim to a place in Parnassós with the Muses. But as he is a Bicolano, and Parnassos  is sacred to Apollo, the local alternatives are Mayon, Isarog & Bulusan, where the Diwatas sing forth their enchanting songs. Now, if these odds and ends here tax your patience and bore you to tears, just call on the Diwatas and ask them to charm you with a song or two.

All rights reserved. No part of this Notebook may be reproduced by any means without written permission from J. Vibar Nero.

Contact. Send email to jvn@i.ph

     

March 2010
M T W T F S S
« Feb   Apr »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

Archives

  • August 2010
  • May 2010
  • April 2010
  • March 2010
  • February 2010

Links

  • Facebook
  • Philippine Literature
  • The Jesuits
  • Ambet & Annie Yuson
  • Alethia M. Lampauog
  • Intellectual Property Phils
  • Balangibog
  • Roberto T. Añonuevo
  • CalliopeBlogs
  • mytest.ph

Messages

used stationary bikes:

nice blog boss….

indonesia furniture handicraft wholesale marketplace:

Do not forget to always visit the Indonesia furnitur

leunamme:

Musta na po,
Okay naman ang buong pamilya nairaos ng maayos ang paghahatid kay nanay sa huli niyang hantungan….. salamat sa dasal para sa kanya…
Muli,
Kasamang Mhoney

jvn:

Mabalos, Billy!

J Billy Ozaeta:

Kuya Joe, lubha po akong nasiyahang mabasa ang inyong panulaan. Higit pa roon, nakatutuwang malamang may isang makatang Vibar. Isa rin po akong Bikolano at nagtataglay ng pangalang Vibar. Nawa’y lalong bumukadkad at magbanyuhay pa ang inyong mga berso. More power!

jvn:

Salamat, Rechele!

rechele:

hello…. ok tong mga iginuhit mo ha meaningful talaga……at shaka na touch ako sa mga naisulat mo dito sa mga tula mo……

jvn:

Reclinable,
Thank you for visiting this site. I guess it’s too late to suggest places for you to visit. I’m sure you are now back abroad. But next time you come home, try Palawan or Batanes. Those are beautiful places.

Reclinable:

I’ve not been in the Philippines for long but I must say it’s an amazing country. Anyway, I just stopped by because I’m browsing blogs by filipinos and found your site on google. If you can share any ideas on places to try while in Manila then I would really love to hear them. Enjoy Holy Week!

rhestie:

hello po!! would you please send to my e mail the whole story of samuel bbilibid!! matagal na kasi akong sinasabihan na katulad ko daw yun eh!! tsk tsk!! just send it to my e-mail na lang po thanks po!! it took a long time for me to know him!! and i really want to know who he really is! thanks! :D

jvn:

Salamat po, Kuya Bob. Magayagayang Pasko man saimo asin sa pamilya.

Roberto Añonuevo:

Maligayang kaarawan sa iyo, kuya Joe, at malipayong paskuwa sa iyong pamilya.

jvn:

Thank you, Rechele.

rechele:

hello nice poem………add nyo ko facebook rechele aulestia

jvn:

mabalos, ning. bayai sana ta kun iturulod ako kan mga diwata kan tangkongbaka, baad makagibong tula para saimo an sakuyang pluma. cheers!

eleanor nero san andres-dayag:

..keep going and share ur brilliant ideas!

eleanor nero san andres-dayag:

manoy joe uragon ka talaga…i like reading your poems. sana gibohan mo man ako…now i know kung saen ta namana ang pagiging makata…

jvn:

yun yung tulang ginawa ko para sa ‘yo nung bertdey mo, ate ming, pitong taon na ang nakararaan. ang bilis ng panahon!

ming:

hi kuya joe! thanks for the beautiful poem and thanks for including me in your blog… it’s heart warming to have friends like you and talits. more power po…

jvn:

Kunwari lang to, Kuya Bob. Siyanga pala, sinipi kita sa tagline. Minsan bibisitahin ko si Alimbukad. Cheers!

Leave a message ▼