bihag ng pag-ibig
February 19, 2010Salin ng sonetong Al Cristo Crucificado ng Di-kilalang May-akda.
Isinalin sa Filipino ni J. Vibar Nero.
Kay Kristong Nakapako sa Krus
Hindi dahil sa pangakong langit,
o aking Diyos, kaya kita iniibig;
at hindi ang sumpang impiyerno
ang pipigil sa aking pang-iinis.
Ikaw mismo, Panginoon, ang sa aki’y
bumighani: nakapako sa krus, hinamak,
katawang puno ng sugat; binihag ako
ng iyong kamatayan at mga paglibak.
Binihag ako ng labis na pag-ibig
kayat iibigin kita kahit walang langit,
matatakot sa ‘yo wala mang impiyerno.
Hindi na kailangan ang anupa para
mahalin ka, anuman ang mangyari,
mahal kita at mamahalin sa tuwina.
Larawan ni Kristo, yakap ni Maria, sa Krus.
Kuha ni Jing A. Karaos. Inedit ni J. Vibar Nero.
layag-buwan
February 18, 2010Kailangang sumakay sa buwan upang maabot ang tala.
Guhit ni J. Vibar Nero 1979
33. (sa parang)
February 16, 2010 Aniya sa mga walang kaibigan: sa luntiang parang maraming halaman— ang kanilang ganda ay nasa ugnayan. ©1976 J. Vibar Nero
Dawit ng Musmos: Panata ng Bata. Lumang Kwaderno ni J. Vibar Nero




