payatas@mindanaw
March 26, 2009 at nalibing ang pangarap
sa pagguho ng lupang pangako.
elado ang payatas sa parikalang
ang lupang pangako kaipala’y
libingang basura ng mga ibinasura:
hanap-kamatayan ng mga buhay;
hanap-kabuhayan ng mga patay.
sarili lamang ang dapat nating iyakan;
tanang kahangalan ang dapat putukan…
sumasabog sa ‘ting dibdib ang mindanaw!
a, mindanaw! isa pang lupa ng pangako—
ng tingga at polbura, ng hambog
at pratriwakal na kahungkagan.
ngayon, malinaw na:
walang dangal sa mga hangal!
©2000 J. Vibar Nero
10 Hulyo 2000.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


